Tuesday, June 3, 2008

Pagtatapos

June 7, 2008 --- UA&P Graduation Day!

Nakakalungkot man, pero kailangan nang magpaalam. Marami akong mamimiss... sobrang dami.

Mamimiss ko mga una kong friends from Block H sina

Myra (naging friend ko since 2004 Block H, start ng friendship namin nung nameet ko sya pauwi sa may The Pearl, kaya after nun hanggang ngayon 4 years na kaming magkasabay umuwi, ka-table tennis ko rin yan si Myra),

si Joy (naging friend ko since 2004 Block H, actually mas nauna si Joy kay Myra (hehe), nakilala ko si Joy first day ng Freshstart sa LSG nakaupo sya sa likod ko),

si Alexis (ang babaeng na-late sa Freshstart, akala ko foreigner at inglesera, nag-english pa ako nun, yun pala taga-Zamboanga sya at hindi foreigner pero may lahi daw siyang Chinese--halata naman e),

si Lisa (Block H rin, tinanong nya sa akin bakit ako tahimik nung second day ata yun, sabi ko na-shock kasi ako sa mga babae, galing kasi ako sa exclusive school for boys-heheh!),

si Aisha (Block H rin, super thanks Aisha, dahil sa iyo naranasan kong maging part ng 18 roses hehe...),

si Jenny (nasaan ka na ka-berday! hehe),

si Roanna (Block H rin isa ring baliw na taga-Mandaluyong, pareho kaming baliw, ang saya pag-magkasama kami lahat ng tao na dumadaan sa Prom A inookray namin hehe),

mamimiss ko rin sina Corinna, Kamy, Trish, Angeline, atbp.

Syempre mamimiss ko rin ang mga bago kong friends nung pumasok ako sa MScM...

si Bea, nameet ko sya nung istambay pa kami sa may locker... pero hindi na ngayon wala nang time mag-istambay, professional na kami ngayon hehe... naging classmate ko sa Civ103 kay Sir Guillermo

si Mary Love, ganun din kay Bea naging friend ko kasi istambay din yan sa may locker 2nd floor... Classmate ko rin sya sa Civ103 nun.

si Kae, naging friend ko after MScM Service Day tapos ayun lagi na kaming groupmates ni leader Kae hehe...

si Jian, ganun din naging friend ko si Jian nung Service day pero classmates ata kami nyan nung Physics hehe with Chantal...

at syempre si Lestra kahit hindi sya MScM, naging friend ko si Lestra uhmmm... naku I forgot saang course nga yun? Japan? Hindi ata... sa Family ata... Ah alam ko na! Kay first year summer, Math 1 class ni Ms. Endozo! hehe...

To my friends, salamat sa pagmamahal, pag-aalala, pakikitawa, at pakikinig... Hindi ko makakalimutan ang ating pinagsamahan... Hay, ang dami kong ibabaon na magagandang memories natin, sa classroom, sa mall, sa mga birthdays, sa kung saan-saan na field trip, sa caf, sa red ribbon, sa mega, sa st. francis, sa san miguel avenue, sa coffee cal, sa starbucks pearl dr, sa el pueblo, sa pond, sa ledge, sa prom a, prom b, sa may locker, at kung saan-saan pa...

No comments: